Her Name Is Monique

CHAPTER 23: A TEDDY BEAR



(Renz)

Sobrang lungkot, iyon ang nararamdaman ko. Nang malaman kong lilipat na raw si Patty sa ibang school. Suddenly nanikip ang dibdib ko. Parang sa pangalawang pagkakataon mawawalan na naman ako ng kapatid. Itinuring ko ng kapatid si Patty, marami kaming pagkakapareho sa halos lahat ng bagay. Para bang nakikita ko sa kanya si Monique, ang kakambal ko.

(Renz Santiago!)

Nailayo ko sa tainga ang cellphone dahil sa pagsigaw ni mommy Kelly.

(Kapag hindi mo nadala si Patty dito, huwag ka ng umuwi.)

"What?! Mom, that's not pair. Hindi ko naman hawak ang oras at desisyon ni Patty."

(Pero---)

"Mom please, hintayin na lang natin ang desisyon ni Patty. Sinabi naman niya na susubukan pa rin niyang magpaalam sa parents niya. Sasabihan na lang kita." (Okay, pero sana makapunta siya. You know gusto rin siyang makilala nang daddy mo.)

"Yeah. I know, mom. Sasabihan kita agad kung anong sinabi ni Patty, okay?"

Sawakas pumayag naman ito pero alam ko malungkot ito. Hindi ko na nga sinabi na may balak ng lumipat nang school si Patty dahil alam ko mas malulungkot ito.

+++

(Patty)

"Are you sure, okay lang na sumama ka? Alam mo naman na okay lang kahit hindi na muna. Kaysa naman mapagalitan ka pa ng parents mo."

"Hindi, okay lang naman kuya Renz. Ipapaliwanag ko na lang kayla mommy. Nakakahiya naman kay tita Kelly kung hindi ako pupunta, nagprepare pa naman siya." "She really wants to see you and my dad too. Halos araw araw ka niyang bukang bibig sa bahay kaya natulig na yata si dad." natatawang turan ni kuya Renz. Dalawa lang kami ni kuya Renz sa sasakyan nila. Mabait rin ang driver nila na si manong Makoy na noon man daw na maliliit pa sila, ito na ang driver nila. "Naroroon si sir Miguel? Oh my God! Totoo?" hindi makapaniwala na turan ko. Hindi ko kasi alam paano haharap sa pinaka respitadong business man na tulad nito. "Relax ka lang Patty, hindi naman nangangat si dad." biro ni kuya Renz at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Kuya Renz naman. Idol ka kasi ang dad mo bata pa lang ako."

Maliit pa lang ako ini-idolo ko na si sir Miguel dahil sa mga design nito na sobrang gaganda at elegante. Isa rin itong arkitekto. Dahil rin sa kanya kaya architecture ang kinuha kong kurso. "Joke lang. Panigurado lalaki na naman ang ulo ni dad dahil may isa na naman siyang fans." natatawang sabi pa nito.

"Hindi ba nakakahiya sa parents mo kuya Renz? Wala man lang akong nadala na kahit ano para sa kanila."

"Don't worry about that Patty. Magpakita ka lang sa kanila ngayon, solve na." Kinakabahan ako na excited na ewan.

Alam kong mapapagalitan ako nila mommy dahil hindi ako nagpaalam sa kanila ngunit huli na ito. Aalis na rin naman ako kaya kahit ngayon lang gusto kong makilala ang mga taong matagal ko ng gustong makilala. Ang kaba sa aking dibdib ay mas lumala ng huminto sa hindi kalakihang bahay ang sasakyan nila kuya Renz na kinalululan naman ngayon. Nanlalamig ang aking mga kamay at ramdam kong pinagpapawisan ang aking mga talampakan. Excited at kaba siguro dahil finally makikita ko na ang matagal ko ng iniidulo.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Okay ka lang ba, Patty? Namumutla ka!" nag-aalalang turan ni kuya Renz matapos naming bumaba sa sasakyan.

"Okay lang naman ako kuya Renz, kinakabahan lang ako at....... excited, hehe." turan ko habang ngumiti na hindi ko alam kung matatawag bang ngiti.

"Ikaw talaga. Mababait ang mga parents ko. You already met my mom at alam kong magugustuhan ka din ni dad."

Matapos iyong sabihin ni kuya Renz inaya na niya ako papasok sa loob ng gate.

High tech ang gate nila. May inilabas na card si kuya Renz at itinutok doon. Bumukas naman agad iyon at bumungad sa amin ang limang guard na nakabantay doon. Hanep! Bumati naman ang mga ito sa amin at mabilis rin isinara ang gate.

"Bakit ang dami niyong guard kuya Renz? Samantalang pwede namang hindi na dahil automatic naman ang gate niyo." nagtatakang tanong ko ng makalampas kami doon.

"Nag-iingat lang kami Patty. Nasabi ko na sa'yo diba na nasunog ang bahay namin dati at nawalan ako ng kapatid noon. Na-trauma sila mommy kaya ngayon doble ang mga security dito sa bahay." "Ah! Oo nga pala." tumatangong turan ko habang nililibot ang mga mata sa paligid.

Ang galing. Siguro dad niya rin ang nagdesign nitong buhay nila.

Bumukas ang main door at bumungad sa akin ang maaliwalas nilang sala, sobrang ganda. Inaya ako ni kuya Renz na maupo sa sopa nila.

"Hintayin mo lang ako rito Patty at tatawagin ko lang sila mommy. Kanina pa iyon excited na makita ka." paalam nito at nakangiting ipinatong sa sopa ang bag saka pumunta sa isa sa mga kwarto doon.

Habang naghihintay kela kuya Renz inabala ko muna ang aking mga mata sa sala nila. May mga nakita ako doong picture frames. Nilapitan ko iyon at inisa isa. Nagtataka lang ako, ang sabi ni kuya Renz may kakambal siya na nawawala, pero bakit ni isang picture ng kakambal niya wala akong makita?

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Ang cute talaga ni kuya Renz noong bata pa siya." nakangiting turan ko habang iniisa-isa ang mga picture ng binata.

Napakunot noo ako ng mapansin ang isang picture sa likod ng isang picture ng daddy nila kuya Renz. Isang teddy bear ang nasa picture na iyon. "Parang pamilyar. Saan ko nga ba nakita ang teddy bear na iyon?" turan ko at pinakatitigan ang larawan ng teddy bear. "Teka, parang katulad ng teddy bear ko na nasa bahay." gulat na lalo ko itong pinakatitigan.

Napahawak ako sa aking sentido dahil nakaramdam ako ng hilo. Ilang beses ko iyong ipinilig upang kahit paano'y mawala ngunit masakit pa rin iyon. Muntik na akong matumba kung hindi lang ako napahawak sa table kung saan doon nakalagay ang mga pictures.

"Patty! Are you okay?" rinig kong tanong ni kuya Renz 'di kalayuan sa akin.

Hindi ko na nakalapit na pala ito. Hindi ko kasi magawang imulat ng matagal ang aking mga mata. Nakailang kurap pa ako dahil tumitindi ang sakit ng ulo ko.

"May masakit ba sa'yo?" tanong muli nito.

"A.... yos lang ak---"

Hindi ko na naituloy ang ano man sasabihin ko ng bigla umikot ang paningin ko at matumba. Naramdaman ko pa ang pagtumba ko, at tumama ang kalahati ng katawan ko sa sahig. "Oh my God!? Monique!!"noveldrama

Narinig kong sigaw ng isa sa kanila. Sa nanlalabo kung paningin nakita ko ang imahe ng isang babae na alam kong si tita Kelly at isang 'di ko maaninag na lalake sa harapan ko. Dinaluhan nila ako at ramdam kong umangat ang katawan ko sa sahig. Hindi ko alam kung sino ang bumuhat sa'kin.

'Monique?'

Bakit narinig ko ang pangalan ng kakambal ni kuya Renz?

Unti-unti na ring humihina ang naririnig ko. Hindi ko na kinaya at nawalan na ako ng malay.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.