ONE WONDERFUL NIGHT

CHAPTER 8



Naguguluhang napataas ang kilay ni Nicolah dahil sa sinabi nito.

"Bakit ko naman gagawain yon?", mataray na wika nya dito.

Kung kanina ay sinubukan nyang maging palakaibigan at kaswal na pakitungohan ito, ngayon ay hindi na. Iniisip nya na hindi lang naman ang lalaking ito ang pwedeng magsungit noh! Siya din kaya! "Because I said so.", nakapamulsa at malakas ang kompyansang sagot naman nito.

Wow! Sino ba siya sa akala nya?! Baka ang akala niya lahat ng babae ay sasama sa kanya dahil lang gwapo siya?!

Malakas siyang nagpakawala ng hangin sa dibdib at tumingin sa paligid, tinitignan niya kung nakaka-estorbo ba sila sa mga empleyadong nagtatrabaho doon. Nakita nyang may nakatingin nga sa kanila, yong babaeng tinarayan siya kanina!

Hinawakan niya ang kamay ng lalaki at hinila ito papunta sa elevator. Naramdaman niyang natigilan ito dahil sa ginawa niya ngunit nagpatianod naman ito.

Pinili niyang huminto sa mismong gilid ng elevator kung saan wala na silang maiistorbo bago ito hinarap. Naguguluhan niya itong tinignan ng makita ito na parang namamanghang nakatingin sa baba. Nanlaki ang mga mata niya at parang napapaso sa bilis niyang binitawan ang kamay nito ng napagtanto niyang iyon pala ang tinitignan nito.

Tumaas ang kilay ng lalaki ngunit hindi nakatakas sa kanya ang multong ngiti nito sa labi.

Inignora nya naman iyon at masungit itong tinignan, "For your information hindi ako sumasama sa kani-kanino lang noh! At lalong-lalo na sa hindi ko kilala."

Tumikhim ito tumayo ng tuwid, "I'm Beau Nikolai Wyatt. Okay na ba? Let's go.", walang prenong wika nito at hinawakan siya sa kamay na ikinabigla niya.

Bago paman siya makapag-react ay hinila na siya nito papasok sa kakabukas lang na elevator. Bubulyawan niya na sana ang lalaki kaso hindi nya nalang itinuloy kasi nahihiya siya sa empleyadong kakalabas lang din ng elevator. Bahagya siyang yumuko at tipid itong nginitian ng tumingin ito sa kanya, at nagpatianod nalang sa lalaking nakahawak ang kamay nya.

Nang makapasok na sila ng elevator ay nakasimangot nyang binawi ang kamay nya, "Woi, teka nga! Saan mo ba ako dadalhin ha?! Sabing di ako sumasama sa hindi ko kilala, di mo ba naintindihan yon?!", pasinghal niyang sabi dito. Sumandal ang lalaki sa gilid at napapikit na bumuntong hininga, parang nauubusan ng pasensiya.

*Wow! Nahiya naman ako sa kanya!*

Dahan-dahan nitong ibinuka ang mga mata at parang nababagot na nagsalita, "I just introduced myself ealier, hindi mo ba narinig yon?"

Pinagkrus niya lang ang kanyang mga braso at tinaasan ito ng kilay. Ipinapahiwatig nya sa lalaki na hindi iyon sapat para sumama siya dito noh!

Umayos naman ito ng tayo bago nagsalita, "Okay, let me repeat it. I am BEAU NIKOLAI WYATT, 27 years young, sizzling hot, perfectly handsome and very SINGLE.", maloko ngunit parang seryosong usal nito. Nalukot naman ang mukha ni Nicolah sa sinabi nito, mas lalong naguguluhan sa inaasal ng lalaki.

Hindi ba nito naiintindihan ang sinabi niya kanina? O literal ang pagkaintindi nito sa sinabi niya?

"What else do you want to know about me? Just ask and I'll answer you.", kapagkuwa'y pahabol namang sabi nito sa kanya.

Malakas na lang syang bumuntong-hininga at umiling. Iniisip nyang pakisamahan nalang ito total ay parang pareho naman sila'ng babalik mamaya dito sa building.

Huminto ang elevator at bumukas ito, may mga empleyado na pumasok at napapunta nalang siya sa gilid ng biglang napuno ang kaninang walang laman na elevator.

Bahagya niyang inikot ang ulo sa likuran para sana silipin ang kasamang lalaki pero nagulat nalang siya ng paglingon nya ay mariin itong nakatitig sa kanya. Naiilang na ibinalik nya nalang ang paningin niya sa harapan at tumikhim. *Awkward!!!*

"Saan mo ba 'ko dadalhin?", maya-maya'y tanong niya dito na hindi ito linilingon.

Lumabas na ang ibang empleyado sa elevator at apat na lang sila ang natira doon. Maluwag naman na at malaki na ang espasyo sa loob nito ngunit hindi pa din umaalis ang lalaki sa may likuran niya. Hindi rin nakatakas sa paningin niya ng tinignan niya ito sa repleksyon ng salamin ng elevator ay hindi nito nilubayan ang kabuoan niya.

*Anong problema nito?*, usal niya sa isip niya.

Galing sa likod niya ay liningon siya nito paharap, ang lapit-lapit lang na ng mga mukha nila, "Well, I just said that were going to eat lunch. Saan mo ba gustong kumain?", balik tanong nito sa kanya. Bahagya naman siyang napaatras, tumikhim, at tinaasan ito ng kilay. Gusto niyang mawala ang pagkailang na naramdaman kaya pabiro niya itong tinanong, "Bakit? Ililibre mo ba ako ha?!" Naramdaman niyang sumdal na ulit ang lalaking nasa likuran niya bago ito nagsalita, "I will not ask you to have lunch with me if hindi kita ililibre."

Hindi niya inaasahan na seseryosohin nito ang sinabi nya, joke lang yon eh!

Sasagot na sana siya pero hindi iyon natuloy ng bumukas na ang elevator. Liningon nya si Beau at tinaasan siya nito ng kilay, napaismid nalang siya at nauna nang nagmartsa palabas ng elevator. Tahimik lang na nakasunod si Beau sa kanya at hinahayaan syang magpatiuna.

Nang may naalala ay bigla nalang siyang tumigil sa paglalakad at haharapin sana si Beau ngunit nagkabunggoan sila! Hindi ata nito napansin ang patigil niya kaya nagkabunggoan sila, mabuti nalang at mabilis nitong nahawakan ang braso niya kung hindi ay baka nadapa na siya!

Magkalapit na naman ang mukha nila kaya nakita niya itong mariin na nakatitig sa kanya, "Please be careful next time.", seryosong wika nito.

Naiilang na binawi nya ang kanyang braso at tuwid na tumayo. Napalunok siya bago tumikhim, iwinawaksi ang pagkailang at kahihiyang sinapit niya.

Seryoso ang mukha niya ng nagpasalamat siya dito bago nagpatuloy sa paglalakad.

Nasa tabi na niya ito ng papalabas na sila ng gusali kaya nagsalita na ulit siya, "Saan ba tayo kakain?", iyan sana ang itatanong niya dito kung hindi lang sana sila nagkabunggoan kanina, "Tsaka hindi pala ako magpapalibre sayo ah! Joke lang naman yong sinabi ko kanina eh.", seryosong sabi niya dito.

Ayaw nya namang magpalibre kay Beau noh! Ngayon pa nga lang sila nagkakilala magpapalibre agad siya? Naku, no way! Hindi pa gano'n ka kapal ang mukha nya noh!

"Saan mo ba gusto?", balik-tanong naman nito sa kanya.

Napabuntong hininga na naman siya at ngumuso, "Kahit saan na lang! Basta yong malapit lang dito, kasi diba 1:30 PM tayo pababalikin ni Ms. Amaris?", hindi siya pamilyar sa lugar dito kaya wala siyang alam na malapit na mapagkainan sana nga lang at may-alam si Beau.

Tumango si Beau at tipid na sumagot, "Okay, and yes 1:30 PM."

Pagkalabas ng building ay napaigtad siya ng hinawakan siya ni Beau sa braso at hinila siya papunta sa parking lot, nagtataka siya kaya binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin ngunit, hindi ito nakaharap sa kanya kaya hindi siya nito nakikita. Nagkibit nalang siya nang balikat at nagpatianod dito.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Huminto sila sa isang magarang kotse at napaatas ang kilay nya ng nilingon niya si Beau, "Sasakyan mo 'to?", hindi makapaniwalang tanong nya dito.

Napasimangot naman si Beau sa kanya at sinagot siya, "Yes.", tipid na namang sagot nito!

Literal na napatanga si Nicola sa mangha! Tama nga ang suspetsa nya kanina dito, na mayaman ito! Halata naman sa tindig, pananamit, at pananalita palang ni Beau, ngunit ngayon ay nakompirma niya na ito.

Kaso ngayon ay napapaisip na naman siya kung bakit pa ba ito magtatrabaho kung gano'n? Mayaman na naman sila, diba? Ah, baka trip lang nito at na bo-bore na? O baka naman ay gusto nya lang talaga mag-trabaho, Nicolah? Ay ewan, bahala siya kung anong rason nya!

Basta ako, magtatrabaho ako para makatulong kay Mama! :)

"Why? May problema ba?", tanong nito sa kanya ng mapansin ang reaksyon niya.

Nahihiya naman siyang napailing, "W-wala naman."

Nakagat niya ang ibabang labi niya ng pagbuksan siya ni Beau sa kulay pula nitong Ferrari. Inalalayan pa talaga siya paupo sa passenger's seat bago ito umikot papunta sa driver seat.

Bigla naman siyang napalayo dito ng bigla nalang itong dumukwang palapit sa kanya at isinuot ang seatbelt niya, namumula ang pisngi niya dahil doon.

Dinala siya ni Beau sa isang mamahaling restaurant na hindi nya na ikinagulat pa. Alam niyang mayaman ito kaya impossibleng kakain ito sa karenderya lang noh!

Sinabi din ni Beau na ito daw ang pinakamalapit na pwedeng kainan kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang pumayag na lang.

Nang inigiya na sila ng isang lalaking waiter papunta sa kanilang table ay kinakalkula niya na sa isipan niya kung magkano ba ang pera niya sa wallet niya.

Alam niyang mahal ang mga pagkain dito pero hindi niya parin maiwasang mapipilan ng makita ang menu. Nag-order nalang siya sa pinakamurang pagkain nila doon na nagkakahalaga ng P1, 115 lang naman.

Masakit man sa bulsa ay hinanda niya na ang pera na pambayad niya ng matapos siyang kumain. Ngunit nang nagtawag na si Beau ng waiter at kinuha ang bill ay hindi na siya nito pinagbayad pa. She argued with him dahil nahihiya siya pero he insisted kaya hinayaan nya nalang ito at sinsero itong pinasalamatan.

While they were eating earlier up until they went back to the Lewis Manpower Agency building, they were given a chance to get to know each other. Nalaman niyang natural nga itong may pagkasuplado pero mabait din naman ito.

***noveldrama

1:05 PM pa nang makabalik sila sa 19th floor ng LMA building kaya napag-isipan nyang pumunta muna ng restroom doon, nagpaalam muna siya kay Beau at tinanguan lang siya nito bilang tugon.

Nag retouch lang siya kaunti sa mukha at inayos ang suot nya, pagkatapos ay naghugas na siya ng kamay niya at nagpunas bago lumabas doon.

Nang pabalik na siya sa upuan ay nakita nyang prenteng nakaupo padin si Beau doon. Lumingon ito sa kanya ng maramdaman sigurong papalapit siya, tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na ikinailang niya ngunit iwinaksi nya iyon sa isipan nya.

*Bakit ba kasi palagi itong tumititig sa'kin ha? Alam ko namang maganda ako pero nakakailang pa din ha! Tch*

Sa kagustuhang wag mailang kay Beau ay ginawaran niya ito ng isang ngiti at mapaglarong kinindatan ito.

Napangisi siya nang malukot ang mukha nito dahil sa ginawa nya, "O, anong nangyari sayo? Ba't parang ang sama-sama ng tingin mo sakin ha?", pabirong sabi nya at tumabi dito.

Feeling close lang, bakit ba?

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

At exactly 1:30 PM ay lumabas si Ms. Amaris sa isang silid at nakangiti itong pumunta sa kinaroroonan nila, sinabi nito sa kanila na sundan siya kaya ginawa naman nila.

Sumakay sila ng elevator kasama si Ms. Amaris na pinindot ang floor number 20 bago nagsalita, "I already endorsed the both of you to the COO, he is now waiting on his office and that's where we are heading to."

Habang nasa elevator ay hindi maiwasan ni Nicola ang kabahan. Bahagya syang napahawak sa kanyang dibdib dahil malakas itong tumitibok. Hindi naman ito ang unang beses na may mag-iinterview sa kanya, kanina nga ay hindi naman ganito ang kabang naramdaman niya ng si Ms. Amaris ang nag interview sa kanya. Bakit kaya?! Baka dahil COO ito ng kompanya? Ah, oo. baka nga!

Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay marahan niyang pinakawalan ang hininga niya at walang boses na nagdasal.

"Please have a sit first.", kapagkuway sabi ni Ms. Amaris at iminuwestra ang isang kulay navy blue na sofa set bago ito pumunta sa isang silid, sa dulong bahagi ng lapag.

Marahan naman siyang umupo sa isang pahabang sofa, samantalang si Beau naman ay komportableng umupo sa tabi nya. *Wow, parang ang close na namin ah? Hahaha!*

Habang naghihintay ay mabilis nyang ipinalibot ang paningin sa kabuoan ng lapag. May kombinasyong kulay dark blue at puti ang mga dingding. Dalawang malalaking silid lang ang nakikita nya galing sa kinauupuan, ang isa nito ay iyong dulong bahagi kung saan pumasok si Ms. Amaris, habang ang isa naman ay gawa glass wall kaso may nakatakip na makakapal na kulay navy blue na drapes.

Natapos ang pagmumuni-muni niya ng nakangiting bumalik si Ms. Amaris sa kinaroroonan nila at nagsalita, "You may go first, Ms. Abraham." Ngumiti din siya at tumango, "Sige po Ma'am, thank you po.", magalang na sagot nya dito at tumayo na.

Maglalakad na sana siya ngunit natigilan siya ng biglang hinawakan ni Beau ang kamay nya at nagsalita, "Good luck.", sabi nito sa kanya. Napangiti naman siya dahil sa sinabi nito.

*Uy ang sweet ni Mr. Sungit! Bago yan ah? *

"Thank you.", tipid na sagot nya dito at nagsimula nang maglakad ulit papunta sa dulong bahagi ng lapag kung nasaan ang silid ng COO.

"You may go next after her, Mr. Wyatt.", narinig nyang usal ni Ms. Amaris kay Beau.

Nang nasa tapat na siya ng sinasabing silid ay binasa niya muna ang nakapaskil na isang signage sa pintuan nito, "MR. FLYNN NOAH LEWIS- Chief Operating Officer", yan ang kalagay doon.

Marahan siyang bumuntong-hininga bago siya kumatok ng tatlong beses at pinihit na ang door knob.

Pagkapasok niya sa silid nito ay ang isang malaking painting na nakasabit sa dingding. Namangha siya sa ganda nito, parang totoo ang disenyo nitong mag kutsara na may nakalagay na iba't ibang condiments doon.

*Bakit kaya ganito ang painting niya? Diba COO siya ng isang Agency? Eh bakit kutsara at condiments?*

Tinapos niya agad ang pagmumuni-muni at naghanda ng isang matamis na ngiti bago pumihit pakaliwa kung saan nakita nya ang hindi inaasahang lalaki.

Awtomatikong nawala ang ngiti nya sa labi at napalitan iyon ng pagkaawang, nanlalaki ang mga mata at parang naubusan siya ng dugo. Nahugot niya ang kanyang hininga at napako siya sa kinatatayuan nya nang mapagtanto niya kung sino si Mr. Flynn Noah Lewis.

To be continued...


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.