The Fall of Thorns 2: Austin McClennan

Chapter 10



Chapter 10

“GOOD THING you came. Naabutan mo pa ako rito,” walang siglang bungad ni Maggy kay Austin

nang mapagbuksan niya ng pinto, eksaktong apat na araw matapos nang naging pagkikita nila ni

Benedict. Ngayon lang muling nagparamdam ang binata. Ni hindi ito nagte-text o tumatawag. And all

those times, all she held on were liquors. Dahil sandali niyang nalilimutan ang mga masasamang

nangyari sa buhay niya sa pamamagitan ng mga iyon.

Bukas ay aalis na si Maggy pabalik sa Nevada sa tulong na rin ni Radha. Nakapagdesisyon na siya at

ipagtatapat niya kay Yalena ang lahat maliban sa nararamdaman para kay Austin. Hindi niya kayang

patuloy na ilihim ang tunay na sitwasyon ni Benedict sa kanyang kakambal. Kailangan na din nitong

matuklasan ang katotohanan. Isang malaking pagkakamali ang pagbabalik niya sa bansa para sa

plano nila. At kailangan na nilang itigil iyon.

Justice will never be served. Ever.

“Aalis ka?” gulat na sinabi ni Austin. “Pero hindi pa naman tapos ang anim na buwan na bakasyon mo.

Saan ka pupunta?”

“Anywhere far away from here,” ani Maggy bago tinalikuran na si Austin at bumalik sa kanyang kwarto

para ituloy ang pag-empake.

“I know everything now,” mahinang sinabi ni Austin mayamaya. Nang lingunin ni Maggy ay nakita niya

itong nasa bukana ng pinto ng kanyang kwarto habang nakayukong nakapamulsa.

“Really?” Hindi na siya nasorpresa pa. Hindi na mahirap hulaan ang bagay na iyon base sa mga

nangyari noon sa Olongapo at sa ilang araw na hindi pagpapakita ni Austin na ni wala man lang

pagpapaliwanag. Mapait siyang napangiti. “Congratulations, then.”

Nalaman na rin ni Maggy mula kay Clarice na inosente ang magkakapatid na McClennan tungkol sa

ginawang pang-aagaw ni Benedict sa shares ng mga Alvero at de Lara sa kompanya. Ipinagtapat iyon

sa kanya ng kaibigan nang puntahan siya nito sa condo unit niya bago sila nagkita ni Benedict. Pineke

umano ng huli ang mga dokumento. Pinalabas nito sa mga anak na legal nitong binili ang shares mula

sa dating mga kasosyo, katulad mismo ng pinalabas nito kay Carla. Inamin din sa kanya ni Clarice ang

tungkol sa diaries ni Benedict kung saan nakasulat daw ang buong katotohanan.

Nang ipagpilitan pa rin ni Maggy sa kaibigan na siya mismo ang tatapos sa buhay ni Benedict ay doon

umusbong ang galit ng kaibigan.

“Do that, by all means. And I swear, Maggy, you will lose me!”

It was still a wonder how love can change a person, how that four-letter-word can soften one’s heart.

Ilang sandali pa ay naramdaman ni Maggy ang marahang pagyakap ni Austin mula sa kanyang likuran.

“You can hate my father all you want but please…” Nabasag ang boses ni Austin. “Don’t include me on

your hate list. It isn’t my fault that he and I are related, Maggy.”

Naramdaman niya ang paggalaw ng mga balikat ng binata palatandaan ng pag-iyak nito. Isinubsob nito

ang ulo sa kanyang balikat. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagpatak ng luha nito sa

kanyang balat. Mariing nakagat ni Maggy ang ibabang labi.

“I am so sorry. I can’t even begin to tell just how sorry I am. Hindi ko alam kung paano sisimulang

tanggapin ang lahat. Ilang araw na akong mabaliw-baliw sa kaiisip. Hindi ko rin magawang magpakita

sa `yo kaagad. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi man lang. Dahil anuman ang gawin ko, ano

man ang ibigay ko, magkukulang pa rin—”

Binaklas ni Maggy ang mga braso ni Austin sa kanyang baywang. Pilit na pinatatag niya ang boses

nang muling magsalita. “I will be fine. Just give me back my family’s shares—”

“Dala ko na ang mga papeles. Pirmado na ang mga ‘yon. I put all my shares in the company under

your name. Inayos na ang mga iyon ng abogado ko. Iniwan ko ang envelope sa sala bago kita

sinundan dito—”

“That’s great.” Tumango-tango si Maggy. “Makakaalis ka na kung gano’n. Nakuha ko na ang mga

kailangan ko. I... I can take it from here.”

“Just like that?” Anguish was evident in Austin’s voice.

Nilingon ni Maggy ang binata. Muling sumalubong sa kanya ang pamilyar na mga matang iyon ni

Benedict na sa malas ay namana pa ni Austin. Gusto niyang tawanan ang sarili. Paulit-ulit na lang

siyang pinaglalaruan ng tadhana. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, si Austin pa ang minahal niya.

Paano niya nagawang mahulog sa mukhang iyon na siyang nasa likod ng kamatayan ng mga

pinakamahahalagang tao sa buhay niya?

Pero habang patuloy na pinagmamasdan ang binata ay na-realized niyang kakaiba ang sa tuwina ay

ipinaparating ng mga mata ni Austin. His eyes were always replete with warmth. They were always

filled with love and kindness unlike Benedict’s. And it bothered her most knowing that the latter was still

succeeding up to that moment.

Because Benedict was still ruining her. Ang pagkakaiba lang ngayon ay nadamay na rin sa kasamaan

nito ang mga anak na nasasaktan din dahil sa mga ginawa nito. Great. Marami na pala silang biktima

kung ganoon. Hindi na lang silang tatlo nina Clarice at Yalena. Pero wala pa ring hihigit o papantay

man lang sa sakit na pinagdaanan nilang mga nawalan ng mga mahal sa buhay. At hindi pa iyon

nararanasan minsan man ng mga anak ni Benedict.

Namasa ang mga mata ni Maggy. She wanted so much to reach out to the broken man in front of her.

Dahil sa kabila ng lahat ay hindi niya pa rin ito matiis na nakikitang nagkakaganoon nang dahil sa

kanya. May bahagi niya ang gustong kalimutan na lang ang mga nangyari. Kung siya lang ang

masusunod, gusto niya na ring makatakas sa sakit at galit na nararamdaman. Pero ang hirap. Ang

hirap-hirap. Parating kumakalaban sa kanya ang tadhana. Destiny never made her win, not even once.

And now Cupid was against her as well. He made her fall for a McClennan.

Gustong-gusto niyang tanggapin si Austin at tapusin na pareho ang mga paghihirap nila. Pero sa oras

na ginawa niya iyon ay hindi na siya kahit kailan makababangon sa pagkakalubog. Paulit-ulit na lang

niyang maaalala sa pamamagitan ng binata ang mga kasalanan ng ama nito sa kanyang pamilya.

“Yes, Austin,” mayamaya ay sagot niya sa kabila ng pamumuo ng bara sa kanyang lalamunan. “Just

like that.”

“No, no, please don’t do this to us, Maggy.” Lumapit si Austin sa kanya at nakikiusap na tinangkang

abutin siya pero umiwas siya. At minsan pa ay gumuhit ang sakit sa mga mata nito.

“Mahal na mahal kita, Maggy. At alam ko na mahal mo rin ako. Kung aalis ka, hayaan mo akong

samahan ka. We’ll move on together. I know I’m being greedy because that’s asking for too much after

everything that took place but Maggy, the only reason why I’m still holding on to my sanity is you.”

“No.” Napahugot ng malalim na hininga si Maggy. “You’re just imagining things. I never loved you,

Austin—”

“Please don’t say that. I’m trying my best to understand your reasons—”

“Then don’t try to understand anything! Huwag mo nang subukan! Masasaktan ka lang lalo.” Nagtaas

na siya ng boses. “It’s useless! It’s pathetic—”

“I can’t stop!” ganting-sigaw na rin nito. “Because I love you!”

“Damn it!” Frustrated na tinalikuran na lang ni Maggy si Austin pero mabilis na napigilan siya nito sa

braso. Pagharap sa binata ay kaagad siyang kinuyumos ng halik sa mga labi. Hindi siya nakakilos.

Tulalang napatitig lang siya sa nakapikit nang mga mata ng binata bago siya dahan-dahang pumikit na

rin.

Tanga na kung tanga, mali na kung mali. Pero sa huling pagkakataon ay pinagbigyan niya ang pusong

nasasabik... Nagmamahal. Tinugon niya ang halik ng binata. Nagpaubaya rin siya nang maramdaman

ang paglalakbay ng mga kamay nito sa kanyang katawan. Dahan-dahan siyang iginiya ng binata sa

kama. Ibinaba nito ang maleta na nasa ibabaw niyon pati na ang mga damit na nakapatong doon.

Maggy laid waiting on her bed as she watched Austin took off his clothes one by one. Lahat ng iyon ay

itatatak niya sa puso.

Just this once...

And when he finally joined her on the bed in his naked glory, she gasped, awed by his beauty. Love

and passion were all over his eyes; the eyes that no longer showed any sign of innocence. Inalis ni

Austin hanggang ang kahuli-hulihang saplot ni Maggy bago siya nito muling hinalikan sa mga labi. And

before he took her that evening, he whispered words; words that she will always remember for as long

as she lives.

“I’m at your mercy, Maggy. My heart, body and soul are all at your mercy.”

Austin took her once that night and a couple of times at dawn. And it was blissful despite the initial pain

because she knew that despite everything, she did it with the right man. Hinding-hindi niya iyon

malilimutan.

Muling tumulo ang kanyang mga luha habang pinagmamasdan ang binata na mahimbing na natutulog

sa kanyang tabi habang mahigpit na nakayakap sa kanya. Mahal na mahal niya ang lalaking ito. And in

another lifetime, should she meet him again, she will never let him go.

Nagpalipas na muna si Maggy ng ilang sandali bago niya dahan-dahang inangat ang braso ng binata

palayo sa kanya. Bumangon siya at nagbihis kahit pa bahagyang nananakit pa ang buong katawan.

Inayos niya ang mga damit na ikinalat ng binata noong nagdaang gabi. Dinampot niya ang cell phone

sa bedside table at maingat na binuhat ang kanyang maleta. Kinuha niya ang nakitang envelope sa

center table sa sala at binuksan. Nanlaki ang mga mata niya nang malamang hindi lang basta shares

ni Austin sa kompanya ang inilipat nito sa pangalan niya kundi ang ilan pang properties na pagmamay-

ari nito kasama na roon ang isang resort sa Bulacan at dalawang bahay at lupa sa iba’t ibang

probinsiya.

Napailing si Maggy. Nang makabawi ay ibinalik niya ang mga iyon sa envelope at ipinatong uli sa

center table. Ang dokumentong nagsasaad na inilipat na sa pangalan niya ang mga shares ni Austin sa

kompanya ang tanging inilagay niya sa maleta. Kakailanganin niya iyon para maipakita sa kakambal.

Ibibigay niya iyon sa huli sa pag-asang titigilan na nito ang plano kapag nalamang may kontrol na sila

uli sa kompanya na sinimulan nina Roman at Vicente.

She will never take more of what Austin could offer. Sa kabila ng nadarama niyang pait sa puso ay

hindi niya nakaugaliang kumuha nang hindi sa kanya. Hindi siya kasingsama ni Benedict.

Mabigat ang dibdib na nilingon ni Maggy sa huling pagkakataon ang nakasara nang pinto ng kanyang

kwarto bago nangingilid ang mga luhang tuluyan nang umalis ng kanyang unit. Nirentahan niya lang

iyon at naasikaso niya na ang mga bayarin noong nagdaang araw pa. Lagpas alas-singko na ng

umaga nang magpunta siya sa parking lot. Alas-otso y medya ang nakatakdang flight niya. Sa airport

na sila magkikita ni Radha. Ito na rin ang kukuha sa nirentahan nilang kotse na gagamitin niya na

muna papunta roon.

Kasalukuyan nang nagmamaneho si Maggy nang tumunog ang cell phone niya. Kunot ang noong

dinampot niya iyon sa dashboard. Hindi pamilyar na numero ang nakarehistro doon. Nagsalubong ang

mga kilay niya bago pinindot ang Answer button. Ini-loudspeaker niya na lang iyon bago muling ibinalik noveldrama

sa dashboard. “Hello—”

“Hello there, Maggy. It’s Lester.”

Nanayo ang mga balahibo ni Maggy sa batok sa narinig na pamilyar na boses. Iisang tao lang ang

kilala niyang nagmamay-ari ng ganoong boses at pangalan. Iyon ay ang dating live-in partner ni Radha

na ipinakulong nila ng kapatid.

“I just called to remind you to drive safely.”

Napaawang ang bibig niya kasabay ng malakas na pagtawa ni Lester sa kabilang linya. Ihihinto niya na

muna sana pansamantala ang kotse para tawagan si Radha nang mapag-alamang hindi gumagana

ang preno niyon.

Oh, God. Natatarantang iginala niya ang paningin sa paligid. Nanlaki ang mga mata niya nang makita

ang makakasalubong na itim na sasakyan sa pagliko niya. Humahagibis iyon at para bang siya ang

target kung ang pagbabasehan ay ang paglilihis nito ng lane. She gritted her teeth in despair when she

finally saw the man behind the wheels who was now coming closer.

Lester!

Mabilis na iminaniobra ni Maggy ang kotse. Naaalarmang iniliko niya iyon pakaliwa. Wala na siyang iba

pang mapagpipilian. Halos mabingi siya sa lakas ng naging pagbangga sa poste ng kanyang sasakyan

bago tuluyang nagdilim ang lahat sa kanya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.